Manhid na nga talaga siguro ako. Naglibot ako sa blogosphere and medyo nakibasa sa mga sentimyento ng halos
90% bloggers. At ang kadalasan dahilan ng kanilang pag-i-emo ay pag-ibig.
I say,
"I've been there." and its not easy ang madaya sa pag-ibig. Mag-iisang taon narin mula nang akoy mukhang basang-sisiw na naiwan sa isang sulok habang dinadama ang epekto ng pagkabigo.
Oh, yeah! I cried buckets! Pero tuwing naalala kong may ego at pride pa pala ako, tinatanong ko sarili ko kung bakit masyado akong nagpakalunod sa emosyon ng mga panahon na'yon ng dahil lamang sa isang walang kwentang lalaki. Call me bitter para isiping ako ang dehado at di sya. Pero ano paba ang mas masakit sa ang malamang pagkatapos ng lahat ay nalaman ko nalang na ikinasal na sya!
Gusto kong sampalin ang sarili ko sa aking nalaman at baka sakali'y ako lamang ay nagbulag- bulagan para umasang may bukas parin na naghihintay sa aming dalawa. Ngayon heto ako, pagkatapos ng isang walang kwentang pagluluksa dahil sa pagkabigo. Natuto narin kahit papano. At nakikibasa nalang sa kwento ng ibang nasasaktan. Isang bagay ang aking natutunan sa puntong iyon,
"I have to pick myself up before it's too late and I will end up a total loser". Sabi nga nila,
panahon lang ang makapagsasabi kung kelan mo mahahanap ang tunay na pag-ibig. Minsan sa isip ko, ayaw konang umasa na darating pa iyon. Ngunit gusto kong
maging positibo sa buhay at idaan
sa dasal ang lahat ng aking nararamdaman.
Masasabi kong masaya na ako ngayon. Dahil pinili kong maging masaya. Sa tuwing nagkokomento ako sa kabiguan ng iba, isa lang sa nais kong iparating, "
kaya mong maging masaya dahil karapatan mong maging masaya."