Halos lahat ng kwento ng mga OFWs na nag spend ng Christmas sa ibang bansa isa lang ang konklusyon: iba pa rin ang pasko sa 'Pinas. Hindi madali ang mamuhay sa ibang bansa. Nakakapangulila pa lalo kapag may mga mahal ka sa buhay na kelangan mong maiwan para lang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Para mabuhay. Kaya nga naman hanga ako sa tatag ng loob ng ating mga OFWs. Minsan naluluha ako tuwing nakakabasa ako ng mga kwento ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa at nangungulila sa mga mahal sa buhay. Lalo na't di sila nakakauwi kapag Pasko. Kahit pa siguro madali nalang ang komyunikasyon sa panahon ngayon, iba parin yung nasa tabi mo lang ang mga taong mahal mo.
Masaya nga naman ang pasko sa atin. Kaya lang naninibago na rin ako. Malapit nang matapos ang Pasko pero madalang nalang ang mga carolers. Ano na kayang nangyari sa mga nakagawian na natin tuwing Pasko? Epekto din ba eto ng global warming?hehe! Naalala ko tuloy nung bata pa ako. Madalas kaming mag caroling ng mga kapatid at pinsan ko. At madalas din nahahabol ng aso.:D
Hahayyy!talaga nga sigurong kakaiba ang pasko sa Pinas. Lalo na't huwag nating walain yung bahagi na ng ating tradisyon.
No comments:
Post a Comment