Saturday, November 8, 2008

ako

gusto kong magblog pero wala akong maisip na entry. di pa naman ako inaantok.

naisip kolang, isang buwan ko narin inaabangan result ng LET exam ko. kahit pinipilit kong paniwalain utak ko na kinaya ko naman ang exam, pero mahirap parin mag-expect sa walang katiyakang pakikibaka kung positibo nga ba o hindi. mahirap nang maging sobrang confident, ayaw ko nang masaktan sa pag-aakalang, this time--tama ang mga desisyon ko sa buhay. natuto na akong lumaban at harapin kung anong meron at tanggapin kung anong wala sa akin. pinatibay na talaga ako ng panahon. nasasaktan parin naman..pero kaya nang ngumiti pagkatapos.

ako na nga siguro eto--kahit minsan tanga parin..naive, pero mas mataas na ang EQ. Hahayy, hanggang ngayon naaala ko parin si big bug. nag-asawa na nga pala sya. sana makalimutan kona sya. kahit paulit-ulit kong tinatanong sarili ko "how did i come to love him." pero sabi nga nila, di naman kini-question ang mga bagay na ganyan. sana lang, "makalimutan kona sya.."

No comments:

"Just when you think things are not on your side, conquer them all with LOVE. Only in an open heart and mind where you may remain stand still as a UNIQUE individual."