Sunday, May 3, 2009

Pacman vs. Hitman

Pambihira naman ang laban na 'yon!Para lang sandaling nanaginip si Pacman tapos nang magising, si Hitman naman ang tulog!hehe! Bakit naman ganun ang laro?ambilis yata ng pangyayari!Eh lumipad pa mga lolo nating politiko sa bayan ng banyaga at nagwaldas ng libo-libong pamasahe para lang mapanuod ang larong 'to tapos ganun lang kabilis! Eh, kung sanay ipinamahahagi nalang sana ng mga lolong politiko natin yung pinamasahe nila sa mga naghihirap ngayon dito sa bansa natin, baka mas marami pang matutuwa..di kasi practical. Pakialamera din ako ano?haha!Pakialam ko ba naman sa pera nila kung paano nila lustayin?!:P

Anyways, eto namang si Hatton, sugod ng sugod lang, parang nasobraan sa excitement. Ayan tuloy, napuruhan sya, knock down pa! Kakatuwa talaga tayo ano?Ay ako lang pala!Nangingialam ng diskarte!hehe!

Congrats Manny..balato naman dyan!:D

3 comments:

p0kw4ng said...

akala kasi ni hatton eh praktis pa lang,hihihi

di pa ubos ang boteng beer tapos na ang laban,hihihi

es said...

ahahaha!natawa naman ako sa comment mo pokw4ng! sabi nga ng kuya ko, ni hindi man lang daw nagalaw buhok ni Manny.:D

doi said...

nasa loob ako ng taxi nung malaman ko na nanalo na si manny! hahaha.. sobrang excited kami sa narinig namin na live broadcast sa radio!

"Just when you think things are not on your side, conquer them all with LOVE. Only in an open heart and mind where you may remain stand still as a UNIQUE individual."